PBBM, bibisita sa Northern Samar at General Santos City bukas

Byaheng Northern Samar at General Santos City si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bukas.

Ito ay para bisitahin ang mga apektado ng malawakang pagbaha sa Northern Samat dulot ng shear line at Low Pressure Area (LPA).

Bibistahin din ng pangulo ang mga naapektuhan ng 6.8 magnitude na lindol sa General Santos City.


Samantala, 132 pang mga lugar sa limang rehiyon na tinamaan ng shear line at low pressure area nananatiling baha.

Sa programang Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) Deputy Spokesperson Mark Timbal na patuloy na nakararanas ng mga pag-ulan at pagbaha ang 149 na mga lugar na ito kabilang na sa Calabarzon, Bicol Region, Eastern at Western Samar.

Sa bilang na ito 132 pa rin ang nananatiling baha habang may 17 naman ang may landslide.

Sa kasalukuyan aniya ay may kabuuang 81,000 mga pamilya ang apektado.

Pinakamarami aniya sa mga ito ay sa Eastern Visayas na naitala sa 133,000 mga indibidwal.

Dagdag pa ni Timbal, malaking bilang din ng mga residente ang naitala nilang nasa iba’t ibang evacuation centers o kabuuang 367,000 pamilya.

Umaabot na rin aniya sa mahigit 9,000 pamilya ang pansamantalang nakikituloy ngayon sa kani-kanilang mga kaanak.

Nagpapatuloy ang berepikasyon ng NDRRMC Operations Center sa ulat na may dalawang tao ang nasawi.

Facebook Comments