Magtutungo mamayang alas-7:30 ng gabi patungong Brussels, Belgium si Pangulong Bongbong Marcos para makiisa sa ASEAN-EU Commemorative Summit.
Ang pangulo ay magtatagal ng tatlong araw sa Belgium.
Kaugnay nito, binigyang diin ng Foreign Affairs Department ang kahalagahan ng nakatakdang pagdalo ni Pangulong Marcos sa Summit.
Paliwanag ni Department of Foreign Affairs-Office of ASEAN Affairs Assistant Secretary Daniel Espiritu, may mahalagang papel kasi na ginagampanan ang Pilipinas para sa nasabing international event.
Ayon kay Espiritu Country coordinator of ASEAN ang Pilipinas at mananatili aniya ang responsibilidad na ito ng bansa hanggang sa susunod na dalawang taon.
Kasabay naman ng ASEAN-EU Commemorative Summit ay ang ika-45th anniversary ng ASEAN-EU relations matapos na matatag noong 1977.