Nagbabala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga ahensya ng gobyerno na gagastos sa inaprubahang ₱5.768 trilyong national budget sa susunod na taon na maging displinado.
Sa talumpati ng pangulo, matapos ang pagpirma sa 2024 General Appropriations Act, sinabi nitong kailangang mapapakinabangan ng mga tax payer ang buwis na kanilang ibinibigay sa gobyerno.
Kaya dapat ayon sa pangulo dapat walang mangyayaring underspending at overspending.
Paliwanag ng pangulo, kapag maayos na nagastos ang national budget makatutulong ito sa paglaban sa kahirapan, pagprotekta sa border ng bansa at pagbuo ng mga bagong trabaho at kabuhayan ng mga Pilipino.
Dagdag pa ng presidente na sa pamamagitan ng national budget para next year ay makakatulong ito para sa pag-construct ng mga bagong kalsada, eskwelahan, at ospital na magpapaganda sa ekonomiya ng bansa at buhay ng bawat Pilipino.