Importanteng magkaroon ng joint ventures sa pamamagitan ng public-private partnerships o PPPs para mas maging maganda ang post-pandemic global economy.
Ito ang iginiit ni Pangulong Bongbong Marcos sa pakikipagpulong sa isang malaking kompanya sa Bangkok, Thailand.
Sa pagpupulong ipinagmalaki ng pangulo ang naging kontribusyon ng PPP para sa economic transformation ng bansa.
Sinabi pa ng pangulo na ang importante ngayon ay may forecast na sila sa magiging direksyon ng ekonomiya ng Pilipinas.
Kaya naman sinabi ng pangulo sa Thai Conglomerate Group na marami pang lugar sa Pilipinas para magnegosyo kung interesado sila.
Ang CP Group ay isang malaking pribadong kompanya na mayroong dalawang bilyong investment sa Pilipinas.
Facebook Comments