PBBM, binigyan ng bagsak na grado ng Makabayan bloc

Para sa mga kongresista na kasapi ng Makabayan bloc ay wala dapat ipagmalaki si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa July 22.

Giit nina representatives Arlene Brosas ng Gabriela Women’s Party at France Castro ng ACT Teachers Partylist, bigo ang administrasyon na tugunan ang mga suliranin ng mamamayan tulad ng mataas na presyo ng bilihin.

Diin pa nina Brosas at Castro, hindi rin dapat ipagyabang ni PBBM sa kanyang SONA ang ₱35 na kakarampot na umento sa sahod ng mga mangagawa sa National Capital Region.


Bunsod nito ay bagsak na grado ang ibinibigay nina Congresswoman Brosas at Castro kay Pangulong Marcos.

Facebook Comments