PBBM, biyaheng Cambodia sa unang linggo ng Setyembre para sa isang state visit

Babiyaheng Cambodia si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa isang state visit.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, gaganapin ito sa September 7 hanggang September 9.

Bukod dito, kinumpirma rin ng Palasyo na dadalo si Pangulong Marcos sa United Nations General Assembly sa Amerika sa huling bahagi ng Setyembre.

Ang UNGA ay taunang pagtitipon ng iba’t ibang bansa kung saan nag-ugnayan ang iba’t ibang lider ng mundo patungkol sa mga internasyonal na larangan.

Facebook Comments