Kinumpirma mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na pupunta siya sa Germany sa March 12 ngayong taon.
Ang pagkumpirma ay ginawa ng pangulo matapos na mag-courtesy call sa kaniya ngayong araw si Foreign Minister ng Germany na si Annaleena Baerbock.
Ayon sa pangulo, ilang buwan na silang nakikipag-ugnayan sa gobyerno para ayusin ang pagbisita niya roon at sa wakas ay naka-schedule na sila ng petsa para dito.
Tiwala ang pangulo na matapos ang pagbisita niya sa Berlin, Germany ay siguradong magkakaroon ng maraming development sa pakikipag-ugnayan nila sa Germany at mapadadalas na rin aniya ang pagbisita sa bansa ng foreign minister.
Ayon naman sa foreign minister ng Germany na may sampung taon na rin ang nakalipas nang may bumisitang pangulo ng Pilipinas sa kanilang bansa.
Tiniyak naman ng foreign minister na magpapabalik-balik siya rito sa Pilipinas sa mga susunod na panahon.