
Biyaheng India na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw para sa kaniyang state visit.
Magkakaroon ng departure ceremony ang Pangulo sa Villamor Airbase Pasay City bago mag alas-10:00 ng umaga.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), anim na kasunduan ang inaasahang lalagdaan ng Pangulo sa kaniyang state visit na may kinalaman sa batas, kultura, science and technology, at iba pang key areas.
Makakaharap ni Pangulong Marcos si Indian President Droupadi Murmu at si Prime Minister Narendra Modi para talakayin ang kooperasyon ng Pilipinas at India sa larangan ng ekonomiya, depensa at seguridad, pulitika, kalakalan at investment, people to people exchanges, at ilang isyu sa rehiyon.
Makikipagkita rin ang Pangulo sa Filipino community sa New Delhi.
Magtatagal ang Pangulo sa India hanggang August 8, 2025.









