PBBM, biyaheng India sa susunod na linggo para sa limang araw na state visit

Magtutungo sa India si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa August 4 hanggang 8, 2025, bilang tugon sa imbitasyon ni Prime Minister Narendra Modi.

Sa kanyang limang araw na state visit, makikipagpulong ang Pangulo sa mga lider ng India sa New Delhi, at magtutungo sa Bangalore para sa serye ng business meetings.

Inaasahang palalakasin ng dalawang bansa ang ugnayan nito sa larangan ng kalakalan at ekonomiya.

Makikipagkita rin ang Pangulo sa Filipino community sa New Delhi.

Nabatid na ang huling state visit sa India ng isang Pangulo ng Pilipinas ay isinagawa pa ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2007.

Samantala, huli namang bumisita sa Pilipinas si dating Indian President Ram Nath Kovind noong 2019.

Ang pagbisita ni Pangulong Marcos ay kasabay ng pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng naitatag na ugnayang diplomatiko sa pagitan ng Pilipinas at India ngayong 2025.

Facebook Comments