PBBM, biyaheng Isabela ngayong umaga para sa inagurasyon ng Solar Pump Irrigation Project

Biyaheng Isabela ngayong umaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa inagurasyon ng Solar Pump Irrigation Project.

Magaganap ang inagurasyon ng Cabaruan Solar Pump Irrigation Project sa Quirino, Isabela ngayong alas-9:00 nang umaga.

Layunin ng naturang proyekto na mapalakas pa ang agrikultura sa bansa gamit ang renewable energy sa pamamagitan ng solar-powered irrigation system.


Makatutulong din itong mabawasan na maging dependent ang mga magsasaka sa grid electricity at diesel na magpapababa rin sa kanilang operational cost.

Samantala, mula Quirino ay didiretso naman ang pangulo sa Cauayan City para mamahagi ng tulong sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng El Niño.

Makakasama ni PBBM sina Agriculture Sec. Francis Tiu-Laurel, Agrarian Reform Sec. Conrado Estrella, at iba pang local officials.

Facebook Comments