
Kumpirma ng Malacañang na dadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nalalapit na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit sa Kuala Lumpur, Malaysia mula May 26 hanggang 27.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, parte ito ng patuloy na pakikibahagi ng Pilipinas sa mga usaping pangrehiyon na may kinalaman sa ekonomiya, seguridad, at kooperasyong panrehiyon.
Inaasahang ilalatag ni Pangulong Marcos sa ASEAN ang mga posisyon ng Pilipinas sa mga usaping pangrehiyon, at palalakasin ang ugnayan at kooperasyon sa pagitan ng mga bansang kasapi ng organisasyon.
Nitong Biyernes ay nagpulong na sina Pangulong Marcos at Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim kaugnay sa mga pangunahing isyu sa rehiyon.
Kabilang dito ang pagbangon ng Myanmar matapos ang lindol, at ang epekto ng ipinataw na taripa ng Amerika sa kalakalan sa Southeast Asia.









