PBBM, biyaheng MIMAROPA ngayong araw

Apat na araw bago ang kaniyang SONA, biyaheng MIMAROPA (Region IV-B) si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Huwebes.

Ito’y para ipagpatuloy ang pamamahagi ng tulong sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng nagdaang El Niño.

Alas-10:00 nang umaga ay pangungunahan ng Pangulo ang pamamahagi ng ayuda sa Romblon State University sa Odiongan, Tamblas, Romblon.


Pagdating naman ng ala-1:00 nang hapon ay nasa Puerto Princesa, Palawan ang Pangulo para sa aid distribution.

Samantala, alas-3:30 naman nang hapon ay biyaheng Piddig Ilocos Norte si PBBM para sa inagurasyon ng rice processing system.

Facebook Comments