Tutungo ng Palawan ngayong umaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para pangunahan ang gagawing deklarasyon sa isla bilang insurgency free area.
Alas diyes ng umaga inaasahan ang Presidente na darating sa Puerto Princesa kasama ang ilan sa mga miyembro ng gabinete.
Sa event ay pangungunahan ng pangulo ang opisyal na deklarasyon ng pagiging malaya na sa pamamayagpag ng New Peoples Army (NPA) ang isla matapos na maglabas ng resolution ang Provincial Peace and Order Council at Palawan Provincial Task Force ELCAC na cleared na sa insurgency ang Lugar nuong 2022.
Kasama ring ipagdidiwang sa okasyon ang pagdiriwang ng National Peace Consciousness Month.
Kabilang naman sa makakasama ng pangulo sa aktibidad nito sa Palawan sina:
Vice President Sara Duterte-Carpio
Executive Secretary Lucas Bersamin
Special Assistant to the President Anton Lagdameo Jr.
Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil
Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Secretary Carlito Galvez Jr.
National Security Adviser Secretary Eduardo Año
NEDA Chief Arsenio Balisacan
DICT Secretary Ivan John Uy.