
Bumiyahe ngayong umaga si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Region 3 para sa dalawang magkahiwalay na aktibidad sa Subic, Zambales at Balanga, Bataan.
Unang magtutungo ang Pangulo sa Subic, Zambales bandang alas-10 ng umaga para sa inagurasyon ng Hyundai Shipyard.
Inaasahang magiging production hub ang pasilidad para sa maliliit hanggang katamtamang oil tankers.
Target din nitong makalikha ng humigit-kumulang 4,000 trabaho ngayong taon at umabot sa 10,000 trabaho pagsapit ng 2027.
Mula Subic, tutulak ang Pangulo patungong Balanga, Bataan upang bisitahin ang Bataan General Hospital and Medical Center.
Sa naturang pagbisita, inaasahang kukumustahin ng Pangulo ang implementasyon ng Zero Balance Billing para sa mga pasyente ng ospital.
Facebook Comments









