
Babiyahe patungong United Arab Emirates si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa susunod na linggo, November 26, para sa isang working visit.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), makikipagpulong si Pangulong Marcos kay UAE President Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan.
Bagama’t isang araw lang ang magiging bisita ng Pangulo sa UAE, tiniyak ng pamahalaan na magbubunga pa rin ito ng productive dialogue at mga kasunduan na mas magpapatibay sa relasyon ng Pilipinas at UAE.
Ipaaabot din ng presidente ang pasasalamat ng Philippine Government sa UAE dahil sa kanilang pagkilala sa talento ng mga Pilipino sa kanilang lugar.
Samantala, humihingi naman ng pang-unawa ang pangulo dahil hindi ito magkakaroon ng meeting sa Filipino community, dahil kinakailangan nyang bumalik agad ng Pilipinas para tutukan ang relief at reconstruction activities sa mga lugar na sinalanta ng anim na magkakasunod na bagyo.









