PBBM, biyaheng UAE sa susunod na linggo

Babiyahe si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa United Arab Emirates (UAE) sa Lunes, January 12, 2026, para sa isang working visit kasunod ng imbitasyon ni UAE President Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, dadaluhan ng pangulo ang Abu Dhabi Sustainability Week at sasaksihan ang paglagda ng Comprehensive Economic Partnership Agreement (CEPA) sa pagitan ng Pilipinas at UAE.

Ito ang magiging unang free trade agreement ng Pilipinas sa isang bansa sa Middle East, na layong palawakin ang access ng mga produktong Pilipino sa rehiyon.

Inaasahan din ang paglagda ng isang defense cooperation agreement na magpapalakas sa ugnayan ng dalawang bansa sa paglinang ng defense technologies at kakayahan.

Facebook Comments