PBBM, biyaheng Washington DC ngayong araw para sa trilateral summit ng Pilipinas, US, at Japan

Biyaheng Estados Unidos ngayong araw si Pangulong Bongbong Marcos para sa kauna-unahang trilateral summit ng Pilipinas, US, at Japan.

Pangungunahan ng pangulo ang summit sa Washington DC kasama sina US President Joe Biden, at Japanese Prime Minister Fumio Kishida.

Isa sa inaasahang highlight ng pulong ng tatlong lider ay ang joint vision statement ng mga ito.


Nauna namang nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi pakay ng trilateral meeting na pag-usapan ang anumang bansa.

Ang pinakalayunin aniya ng summit ay palalimin pa ang matatag na alyansa ng bawat bansa, kabilang ang kooperasyon sa ekonomiya, para sa economic resilience ng Pilipinas sa strategic at critical infrastructure.

Samantala, may bukod namang pagpupulong sina Pangulong Marcos at US President Joe Biden habang may nakalinya ring business meetings ang Pangulo sa Washington DC.

Facebook Comments