
Handa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na makipagpulong kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong para talakayin ang umano’y iregularidad sa ilang flood control projects sa bansa.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, bukas ang pangulo hindi lang kay Magalong kundi sa sinumang may hawak ng impormasyon na makakatulong sa imbestigasyon.
Matatandaang nagsumite ng dokumento si Magalong kay PBBM, na naglalaman ng mga ebidensya kaugnay ng sinasabing maanomalyang proyekto.
Bagama’t hindi pa inilalantad ang detalye, ilang ulit nang binanggit ng alkalde na hawak niya ang mga papeles para patunayan ito.
Inihayag din ni Magalong na posibleng may kinalaman ang mahigit 50 mambabatas sa kontrobersyal na flood control projects, ngunit hindi pa malinaw kung kasama ito sa kanyang isinumite.









