Hindi isinasara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang posibilidad na magkaayos pa rin sila ng dati niyang kaalyado na si Vice President Sara Duterte.
Sa ambush interview sa Lucena, Quezon, natanong ang pangulo kung naniniwala ba siyang nasa “point of no return” na ba ang relasyon nila ni VP Sara, at ang tugon ng pangulo, ‘never say never’.
Ayon sa pangulo, ayaw niyang magsalita ng tapos kaugnay sa usaping ito at bukas pa rin siya sa posibleng reconciliation.
Matatandaang sinabi ni VP Sara na naniniwala siyang nasa “point of no return” o hindi na maaayos pa ang relasyon nila ng pangulo dahil sa mga nangyayari.
Naging magka-tandem sila sa ilalim ng UniTeam alliance noong 2022 elections.
Mas tumindi ang tensyon sa pagitan ng dalawa kasunod ng mga naging kontrobersyal na pahayag ni Duterte laban sa pangulo.