PBBM, bukas sa pagbusisi ng Kongreso sa paggastos ng unprogrammed funds — Malacañang

Bukas si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagbusisi ng Kongreso sa magiging paggamit ng unprogrammed appropriations ng gobyerno.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, may kapangyarihan ang Kongreso na silipin at busisiin ang pagre-release at paggastos ng naturang pondo.

Bahagi rin ito ng oversight function ng Kongreso, lalo na kung may duda sa tamang paggamit ng unprogrammed funds o kung may nakikitang posibleng anomalya sa paglalaan ng pondo para sa mga hindi inaasahang gastusin.

Ayaw rin aniya ni Pangulong Marcos na magamit sa pansariling interes ang pera ng taumbayan.

Kabilang sa unprogrammed appropriations ng 2026 budget ang pondo para sa foreign-assisted projects, Revised AFP Modernization Program, at Risk Management Program na nakalaan para sa mga emergency at iba pang hindi inaasahang pangangailangan.

Facebook Comments