PBBM, bukas sa panukalang dagdag-ayuda para sa mga buntis at may anak na hanggang dalawang taon

Bukas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa panukalang dagdagan ang tulong sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na buntis at ina na may inaalagang sanggol.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, ang panukala ay tatawaging “First 1000 Days” grant kung saan ang mga buntis, nagbi-breastfeeding, at may anak na dalawang taong gulang ay magkakaroon ng bukod pang ayuda.

Ito ay upang matugunan ang malnutrisyon at stunting o pagkabansot sa bansa.


Sa ilalim ng panukala, magkakaroon ng insentibo ang mga benepisyaryo kung saan pupunta sila sa health center, magparehistro, kumuha ng pre-at post-natal care, at post-partum treatment.

Makukuha rin nila ang grant pababakunahan nia ang kanilang mga anak na hanggang dalawang taon gulang.

Nilinaw naman ni Gatchalian na ito ay temporary grant lamang hanggang sa matapos ng mga benepisyaryo ang nasabing panahon.

Facebook Comments