PBBM, bukas sa panukalang isapubliko ang pagtalakay ng Bicam national budget

Sang-ayon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na maging transparent o tapat sa publiko ang anumang proseso o transaksyon sa gobyerno.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, bagama’t nirerespeto ng Palasyo ang hiwalay na kapangyarihan ng Kongreso at Ehekutibo, pero magandang maging transparent ang bawat galaw ng pamahalaan sa publiko.

Kaya naman ikinokonsidera aniya ng pangulo ang mga panawagan na buksan sa publiko ang paghimay at pagtalakay ng Bicameral Conference Committee sa panukalang pambansang pondo.

Layon ng open Bicam na buksan sa publiko ang kanilang mga deliberasyon, para makita ng publiko kung paano tinatalakay ang pambansang pondo.

Matatandaang naging kontrobersyal ang Bicam ng nakaraang Kongreso matapos madiskubre ang ilan umanong isiningit at tinapyas na pondo sa 2025 national budget.

Facebook Comments