PBBM, bukas sa suhestiyon ng U.S. para sa ikabubuti ng bansa

Bisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang ang mga miyembro ng U.S. Senate Armed Services Committee.

Kasama rito si U.S. Senator Roger F. Wicker ng Mississippi, Senator Deb Fischer ng Nebraska, at U.S. Ambassador MaryKay Carlson.

Sa kanilang pagpupulong, sinabi ng Pangulo na bukas siya sa anumang suhestiyon o ideya mula sa Estados Unidos para mas mapabuti ang sitwasyon ng bansa sa gitna ng iba’t ibang hamon na kinakaharap ngayon ng Pilipinas.

Ayon kay PBBM, marami pang puwedeng pagtuunan ng pansin ang dalawang bansa, lalo na sa mga multilateral na kasunduang naitatag na sa rehiyon.

Pinuri din ng Pangulo ang suporta ng Amerika sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Dagdag pa ni Pangulong Marcos, naniniwala siyang mas lalo pang titibay ang ugnayan ng Pilipinas at U.S., na mahigit isang siglo nang magkaalyado sa iba’t ibang larangan.

Facebook Comments