PBBM, bukas sa tulong ni Ramon Ang na resolbahin ang problema sa baha sa Metro Manila

Welcome kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang alok ng negosyanteng si Ramon Ang na tumulong sa pagresolba ng problema sa baha sa Metro Manila.

Ayon kay Pangulo Marcos, pag-aaralan niya ang ganitong suporta dahil hindi na bago ang pagtulong ng pribadong sektor sa pamahalaan lalo na kung magbebenepisyo ang publiko.

Pero giit ng pangulo, bago gumawa ng proyekto ang gobyerno at pribadong sektor, kailangan munang gampanan ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang tungkulin na isaayos ang pagtatapon ng basura sa kani-kanilang mga nasasakupan.

Sabi ng pangulo, kahit ano kasing klaseng proyekto ang pasukin ng gobyerno, kung hindi napipigil ang walang pakundangang pagtatapon ng basura sa mga kalsada na bumabara sa drainage system, at balewala rin ang proyekto.

Nauna na rin aniyang binanggit ng pangulo na dapat bahagi ng national development ang pribadong sektor at makatuwang ang mga ito sa mahahalagang proyekto.

Facebook Comments