PBBM, bumiyahe patungong Brunei para dumalo sa royal wedding

Inaasahang muling magpapatibay ng bilateral ties ng Pilipinas at Brunei ang pagdalo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kasal nina Royal Prince of Brunei, Princess Abdul Mateen at Yang Mulia Dayang Anisha Rosnah Binti Adam.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), Sabado ng gabi nang bumiyahe patungong Brunei sina Pangulong Marcos at First Lady Liza Marcos para dumalo sa royal wedding.

Nabatid na personal na inimbitahan ni Sultan Hassanal Bolkiah ang pangulo na dumalo sa kasal ng kanyang anak.


Si Prince Abdul Mateen ang ikaanim sa line of succession sa Brunei throne.

Negosyante naman si Yang Mulia Dayang Anisha Rosnah Binti Adam at may-ari ng fashion brand at tourism company.

Kasamang dumalo ni Pangulong Marcos ang iba pang lider ng ibang bansa.

Nasa 22,000 Overseas Filipino Workers ang nagtatrabaho ngayon sa Brunei.

Naitatag ang diplomatic relations ng Pilipinas at Brunei noong January 1, 1984.

Facebook Comments