PBBM, bumubuo na ng team na susuri sa bawat probisyon ng 2026 national budget

Binubuo na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang team na magsasagawa ng masusing pagsusuri sa lahat ng probisyon ng isusumiteng enrolled bill para sa 2026 national budget.

Ayon PCO Acting Secretary Dave Gomez, layon nitong maayos na masuri ang mga pagbabagong ipinasok sa panukalang budget kumpara sa orihinal na National Expenditure Program (NEP).

Nais aniyang matiyak ng Pangulo na ang bawat pisong buwis ng taumbayan ay gagamitin nang tama at mapupunta sa mga programang may malinaw at direktang pakinabang sa mas nakararaming Pilipino.

Nauna nang sinabi ni Gomez na magtatrabaho kahit araw ng Pasko ang Pangulo dahil sa budget.

Facebook Comments