
Bumuo na ng legal team si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na siyang tututok sa mga kasong isasampa laban sa mga sangkot sa maanomalyang flood control projects.
Ayon sa Pangulo, tuloy-tuloy lang ang pagsusuri nila sa records ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng malalaking contractors, at mula rito ay pagtutugmain nila ang reports na nakukuha sa Sumbong sa Pangulo website.
Nakadepende rin aniya ito kung aabot sa puntong magiging nationwide ang paghahain ng kaso at ito aniya ang tututukan ng kanilang legal team.
Giit ng Pangulo, marami pang kahiluntulad na proyekto gaya ng nadiskubreng ghost flood control project sa Bulacan.
Kaya naman hindi niya titigilan ang ang mga nasa likod ng malawakang anomalya na kung saan ay dawit ang ilang mga contractors, mga taga-DPWH, at ilang proponents.









