PBBM, bumwelta sa mga naghahanap ng flood control projects ng pamahalaan

PHOTO: Chzianelle Salazar/DZXL News

Pumalag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga batikos sa social media kung saan marami ang naghahanap ng flood control projects ng pamahalaan.

Ito’y kasunod ng naging malawakang pagbaha na dulot ng Severe Tropical Storm Kristine na ikinasawi ng maraming buhay at ikinasira ng mga ari-arian.

Ayon sa pangulo, may mga flood control project naman talaga ang pamahalaan pero sadyang na-overwhelm lang talaga ito dahil sa dami ng volume ng tubig.


Nakadisenyo raw kasi ang mga itinayong flood control noon sa mala-bahang tulad ng dala ng Bagyong Ondoy noon na tumanggap ng 400cm na ulan.

Pero nitong Bagyong Kristine ay umabot aniya ang ulan sa 700cm, na halos doble ng Ondoy kaya hindi ito kinaya ng flood control projects.

Dagdag pa ng pangulo, hindi na aniya kailangan pang basahin ang mga report o pag-aaral tungkol sa climate change dahil kitang kita na epekto nito sa mga lugar na hindi naman masyadong binabaha noon.

Facebook Comments