PBBM, byaheng Central Luzon ngayong umaga para bisitahin ang mga lugar na matinding sinalanta ng magkakasunod na bagyo

Tutungo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ngayong umaga sa Central Luzon para bisitahin at alamin ang sitwasyon ng mga residente at lugar na matinding sinalanta ng magkasunod na Bagyong Egay at Falcon.

Ganap na alas 9 ng umaga inaasahan ang pagdating ng pangulo sa San Fernado City Pampanga.

Mangunguna ang pangulo sa pamamahagi ng ng iba’t ibang tulong mula sa gobyerno.


Pangungunahan nito ang situation briefing sa Pampanga Provincial Capitol.

Pagkatapos nito dederetso ang pangulo sa Malolos City Bulacan para sa distribusyon ng gov assistance at situation briefing.

Sa ngayon batay sa monitoring may mga lugar pa rin sa Pampanga at Bulacan ang nakakaranas pa rin ng pagbaha kasunod ng walang tigil na pag-ulan.

Facebook Comments