PBBM, byaheng Indonesia na ngayong araw para dumalo sa 43rd ASEAN summit at related summits

Nakatakda na ngayong araw ang paglipad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., patungong Jakarta, Indonesia.

Ito ay para makiisa sa gagawing 43rd ASEAN Summit and related summits.

Sa ulat ng Malacañang, mamayang hapon partikular 2:35 ng hapon gagawin ang departure ceremony para sa pag-alis ng pangulo sa Maharlika Presidential Hangar Villamor Air Base, Pasay City.


Inaasahang dadalo sa departure ceremony sina Vice President Sara Duterte Carpio, Special Assistant to the President Secretary Antonio Lagdameo, PCO Secretary Chelouy Garafil at matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines kasana rin sa Pasay City Mayor Imelda Calixto.

Una nang inihayag ng Department of Foreign Affairs o DFA na inasaahang dadalo ang pangulo sa 13 leaders -level engagements.

Habang magkakaroon rin ang pangulo ng bilateral meetings kina Cambodian Prime Minister Hun Manet at Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh, at maging South Korean President Yoon Suk Yeol at Timor Leste Prime Minister Xanana Gusmão.

Facebook Comments