Nagpaabot ng pagbati sa bansa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasabay ng pagdiriwang ng Pasko na aniya’y kumakatawan sa wagas at simpleng pag-ibig.
Sa kanyang mensahe, sinabi ng pangulo na bahagi na ng kultura ng mga Kristiyanong Pilipino ang kwento ng pagsilang ni Hesukristo.
Aniya, magbago man ang paraan natin ng pagdiriwang nito, kailangang bigyang-diin ang totoong diwa ng Pasko ––– pag-ibig.
Kasabay nito, hinimok niya ang lahat na malayong mag-alok ng ngiti, magbahagi ng kwento, magbigay ng karunungan sa mga kaibigan, minamahal at maging sa mga estranghero.
Samantala, ginugunita bilang regular holiday ang araw ng Pasko.
Idineklara naman ni Pangulong Marcos ang December 26, araw ng Lunes, bilang special non-working day para bigyan ng sapat na panahon ang lahat na makapagdiwang ng holiday kasama ang kanilang mga pamilya.