Inaasahan ang pagdating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Davao del Sur ngayong umaga.
Batay sa ulat ng Palasyo, ito ay upang pangunahan ang inagurasyon ng Magnolia Poultry Farm.
Ang Farm na ito ay world class-controlled climate farm houses.
Gagawin ang inagurasyon ngayong alas-10:00 ng umaga partikular sa Magnolia Poultry Farm sa Brgy. Hagonoy, Davao del Sur.
Bukod sa pangulo, inaasahan din sa aktibidad sina Secretary Anton Lagdameo – Special Assistant to the President, Secretary Manuel Bonoan ng Department of Public Works and Highways, Secretary Cheloy Velicaria-Garafil ng Presidential Communications Office at Ramon S. Ang ng San Miguel Corporation.
Facebook Comments