Kinumpirma mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na biyaheng Amerika siya sa Nobyembre.
Ito ay para dumalo sa gaganaping Asia Pacific Economic Cooperation o APEC Leaders’ summit sa San Francisco, California, USA.
Ang kumpirmasyon ay ginawa ng pangulo sa kanyang talumpati sa courtesy call na ginawa ng US ASEAN Business Council sa Malakanyang kaninang umaga.
Ayon sa pangulo, aktibong makikiisa ang Pilipinas sa Indo Pacific Economic Framework at APEC leaders meeting na gagawin sa Nobyembre.
Una nang dumalo si Pangulong Marcos sa United Nations General Assembly sa New York noong September 2022.
Nagkaroon din ng state visit ang pangulo sa Washington, DC noong May 2023.
Facebook Comments