
Magiging panauhing pandangal si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ika-78 anibersaryo ng Philippine Air Force (PAF) ngayong umaga.
Inaasahang dadalo rin sa event sina Defense Secretary Gilberto Teodoro, Philippine Air Force Commanding General Lieutenant General Arthur M. Cordura, Armed Forces of the Philippines General Romeo S. Brawner Jr., at ang iba pang major service commanders ng AFP.
Pangunahing misyon ng PAF ay siguraduhing ligtas ang himpapawid at teritoryo ng Pilipinas sa anumang mga ‘aerial foreign intrusion.’
Sa aspeto ng Territorial Defense and Air Surveillance, nakapagsagawa na ang PAF ng 1,034 flying hours para sa air at maritime patrols sa West Philippine Sea, Philippine Rise, at iba pang mahahalagang choke points.
Nakapagsagawa rin ito ng 95 maritime patrol flights gamit ang air defense surveillance radars sa Philippine Air Defense Identification Zone (PADIZ).
Kasabay nito, patuloy na ipinatutupad ang Comprehensive Archipelagic Air Defense Concept (CADC) para sa mas pinagsamang operasyon ng air, maritime, at land assets.
Isa rin sa accomplishment ng PAF ngayong taon ay ang pagtugon sa mga kalamidad gaya ng Bagyong Carina, Kristine, Pepito, at sa mga forest fire sa Ilocos Norte.
Nag-deploy rin ang PAF ng Urban Search and Rescue team sa Myanmar matapos ang lindol.









