PBBM, dapat lang na puriin sa pagsibak nito kay Torre — Atty. Sal Panelo

Well-deserved.

Ito ang iginiit ni dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo sa pagkakatanggal ni Gen. Nicolas Torre III bilang hepe ng Philippine National Police (PNP) dahil umano sa kawalan nito ng sapat na kwalipikasyon sa larangan ng performance at disiplina.

Ayon kay Panelo, batay sa datos ni Torre, may mga insidenteng nagpapakita ng umano’y paglabag nito sa tamang pamantayan.

Kabilang dito ang pagtupad sa mga iligal na utos gaya ng pagsalakay sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) at ang pag-aresto at pagdetine kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Tinukoy rin ni Panelo ang pagiging “publicity hound” umano ni Torre, gaya ng kontrobersyal na panukalang “boxing match” na aniya’y nagdala ng kahihiyan sa institusyon.

Giit ni Panelo, nararapat lang na puriin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa naging desisyon para maiwasto ang mga maling desisyon nito at mapangalagaan ang integridad ng PNP.

Facebook Comments