PBBM, dapat maglabas ng kautusan kaugnay sa pagtugon sa epekto ng El Niño

Nanawagan si House Ways and Means Committee Chairman & Albay 2nd District Representative Joey Sarte Salceda kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na maglabas ng executive order ukol sa mga hakbang para matugunan ang epekto ng El Nino phenomenon.

Kasabay nito ay inirekomenda ni Salceda sa gobyerno na pag-ibayuhin ang sistema ng irigasyon lalo sa mga lugar sa bansa na higit na nangangailangan nito.

Pinamamadali rin ni Salceda ang pagtatayo ng small water impounding projects kaakibat ang pagpapakilos sa mga barangay na gumawa ng rainwater catchment facilities.


Sabi ni Salceda, dapat ding pa-igtingin ng Department of Environment and Natural Resources ang pagtatanim ng mga puno at paghusayin ang watershed management run-off storage and recycling, kasama ang rehabilitation ng watershed areas.

Sabi ni Salceda, kailangan ding maglatag ng mga aksyon para maiwasan ang pinsala ng tagtuyot sa mga pananim at dapat itong sabayan ng mahigpit na pagbabantay sa presyo ng mga pangunahing bilihin at mga gamot.

Facebook Comments