PBBM, dedma sa impeachment complaint ni Cong. Kiko Barzaga

Ngiti lamang ang naging tugon ni Palace Press Officer Claire Castro sa panawagang resignation at impeachment complaint ni Cavite Representative Kiko Barzaga laban kay Pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon kay Castro, hindi pinapansin ng pangulo ang mga aksyon ng kongresista dahil abala ito sa pagtatrabaho para sa bayan.

Dagdag pa ni Castro, trabaho naman aniya ng House of Representives ang pagsasampa ng impeachment complaint.

Gayunpaman, wala aniyang oras si Pangulong Marcos sa mga paratang na wala namang matibay na ebidensya.

Si Barzaga ay aktibo sa social media kung saan madalas niyang banatan ang ilang opisyal ng gobyerno, kabilang ang pangulo.

Sa kaniyang Facebook account, ipinost pa niya ang dokumento ng ihahain umano niyang impeachment complaint laban sa pangulo at nanghihikayat na magkasa ng People Power sa October 12.

Facebook Comments