Pursigido si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ipagpatuloy ang pagpapaganda ng transport system ng Pilipinas.
Sa Metro Manila Subway Project Launching ng Tunnel Boring Machine sa Valenzuela City, tiniyak ni Pangulong Marcos na magpapatuloy ang gobyerno para mag-invest sa ikagaganda ng sistema ng transportasyon ng bansa.
Binigyang-diin ng pangulo na mas maraming proyekto pa ang kanilang isusulong sa mga susunod na taon sa harap ng target nila na magkaroon ng mas madaling access ang publiko sa kanilang trabaho, pagnenegosyo at iba pang lugar na mapupuntahan gamit ang maganda at maayos na transport system.
Sa paglulunsad ng Boring Tunnel Machine sa Valenzuela City kaninang umaga, sinabi ng pangulo na magsisilbi itong simbolo ng commitment ng kaniyang administrasyon para ituloy ang mga nasimulang proyekto ng dating administrasyon.
Sa ilalim ng kaniyang pamamahala sa bansa, siniguro ng presidente ang target niya para sa mas maraming proyektong pang-imprastraktura sa ilalim ng Build, Better More.