
Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hindi siya mangingiming personal na puntahan ang mga lugar na sinasabing may anomalya kaugnay ng mga flood control project ng pamahalaan.
Ayon sa pangulo, nais niyang makita mismo ang mga proyektong sinasabing palpak o kaya’y hindi naman talaga umiiral o ang mga tinaguriang ghost project.
Kung hindi man siya makapunta, tiniyak ng pangulo na may mga engineer na ipadadala sa site upang magsagawa ng inspeksyon at mag-ulat ng aktwal na sitwasyon.
Patuloy rin ang panawagan ng pangulo sa publiko na magpadala ng mga larawan o video ng mga kuwestiyonableng proyekto.
Sinisiguro din nito na bubuwagin ang katiwalian sa harap ng nabubunyag ng mga ghost project at pinagkakitaang flood control projects.
Facebook Comments










