PBBM, desididong tuldukan ang gutom sa bansa sa pamamagitan ng pagpapalakas sa mga magsasaka

Patuloy ang ginagawang hakbang ng pamahalaan para matulungan ang mga magsasaka sa pagpapabuti ng kanilang ani at kita.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kabilang dito ang pamamahagi ng mga makinarya sa mga lokal na pamahalaan at farmer’s cooperative associations tulad ng mga mobile disinfection truck, forage chopper, combine harvester, tractor with payloader, hauling truck, wing van, at incubator with hatcher.

Sabi ng Pangulo, inaasahang makatutulong ang mga makinaryang ito para mapalakas ang produksyon at mapataas ang kita ng mga magsasaka.

Sa Malacañang press briefing ngayong tanghali, iniulat ni Palace Press Officer Claire Castro na magkakaroon na rin ng mga Kadiwa stores sa 67 na post office sa buong bansa mula sa dating anim lamang.

Ang mga hakbang na ito ay bahagi ng mga ginagawang interbensyon ng pamahalaan para matuldukan ang gutom sa bansa at para magkaroon ng pangmatagalang pagbabago sa sektor ng agrikultura.

Facebook Comments