PBBM, dinipensahan si DILG Sec. Jonvic Remulla sa estilo ng pag-aanunsyo nito ng class suspension

Dinepensahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang naging desisyon niya na bigyang kapangyarihan si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na magdeklara ng suspension sa trabaho at mga paaralan tuwing may kalamidad.

Sa kapihan sa media sa Washington D.C., sinabi ng Pangulo na layon nito g maging sistematiko ang impormasyon at maiwasan ang fake news.

Samantala, hindi rin isyu kay Pangulong Marcos ang istilo ng komunikasyon ni Remulla sa pag-aanunsyo ng class suspension basta’t naipaparating ang tamang impormasyon.

Kasunod ito ng mga batikos laban kay Secretary Remulla hinggil sa umano’y masyadong kaswal o pabiro ang paraan ng pag-aanunsyo sa social media.

Dagdag pa ng Pangulo, hindi niya nais manghusga kung ano ang “tamang” istilo ng pagsulat o pagbibigay ng anunsyo, basta’t epektibo itong nauunawaan ng publiko.

Facebook Comments