
Dinoble ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang cash incentives ng mga atletang Pilipino na nag-uwi ng medalya sa 33rd SEA Games na ginanap sa Thailand.
Sa homecoming celebration ng mga atleta, inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makakatanggap ng ₱300,000 ang mga gold medalist, ₱150,000 ang silver medalist, at ₱60,000 ang bronze medalist mula sa Office of the President.
Bukod pa ito sa cash incentives na ibinibigay sa ilalim ng Republic Act 10699 o Athletes and Coaches Incentives Act.
Nagbigay rin ang tanggapan ng Pangulo ng tig-₱10,000 cash incentive sa mga atletang nanalo sa iba pang international sports competitions bukod sa SEA Games.
Sa kabuuan, 277 medalya ang naiuwi ng Team Philippines sa SEA Games kung saan 50 ginto, 73 pilak, at 154 tanso.
Pero ayon sa Pangulo, may medalya man o wala, panalo pa rin ang mga atleta sa puso ng sambayanang Pilipino dahil sa ipinamalas nilang husay at dedikasyon.










