
Hindi kumbinsido si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa alegasyon ng mga Discaya na sangkot si House Speaker Martin Romualdez sa maanomalyang flood control projects.
Sa press conference sa Cambodia, sinabi ng Pangulo na madalas talagang nagiging biktima ng name-dropping ang mga mataas na opisyal ng pamahalaan.
Giit niya, dapat maging maingat ang publiko at huwag basta-basta nagpapadala sa mga alegasyon.
Bagama’t aminado si Pangulong Marcos na hindi krimen ang name-dropping, malinaw aniya na krimen ang paggamit ng pangalan ng iba para magnakaw.
Kaugnay nito, tiniyak ng Pangulo na titingnan ng gobyerno ang isyu upang malaman kung may sapat na batayan ang pagdawit kay Romualdez.
Facebook Comments









