PBBM, dumating na sa Berlin, Germany para sa kaniyang working visit

Matapos ang halos 14 oras na biyahe mula Pilipinas, dumating na sa Berlin, Germany si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa kaniyang working visit.

Bandang alas-5 ngayong umaga (Philippine time) nang lumapag ang PR001 na sinasakyan ng pangulo.

Sinalubong sila ni Philippine Ambassador to Germany ni Irene Susan Natividad at ilang Embassy staff.


Unang aktibidad ni Pangulong Marcos ang pakikipagpulong kay German Chancellor Olaf Scholz para pag-usapan ang expertise ng Germany sa renewable energy na maaaring magamit ng Pilipinas.

Nakatakda ring nakipagkita si Pangulong Marcos sa Filipino community sa Berlin.

Mananatili sa Berlin ang pangulo hanggang sa Miyerkules, March 13 saka lilipad patungong Prague, Czech Republic para sa naman sa kaniyang state visit.

Facebook Comments