PBBM, dumating na sa Brunei para sa kaniyang 2 araw na state visit

Dumating na sa Brunei Darussalam si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at ang Philippine delegation para sa dalawang araw na state visit simula ngayong araw.

Sa impormasyon mula sa Presidential Communications Office (PCO), bandang alas-10:01 ng umaga nang lumapag sa Bandar Seri Begawan International Airport ang Flight PR001 na sinakyan ni PBBM.

Ginawaran ng arrival honors ang Pangulo at si First Lady Liza Araneta-Marcos sa kanilang pagdating sa Brunei.


Inaasahang lalagda ang pangulo sa isang memorandum of agreement (MOU) na may kinalaman sa tourism cooperation.

Bahagi rin ng kanyang two-day state visit sa Brunei ang pakikisalamuha sa Filipino community sa nasabing bansa.

Maliban sa turismo, inaasahang mas palalakasin din ng pagbisitang ito ni Pangulong Marcos ang kooperasyon ng dalawang bansa sa seguridad at agrikultura.

Facebook Comments