PBBM, dumating na sa Hanoi, Vietnam para kaniyang dalawang araw na state visit

Dumating na sa Hanoi, Vietnam si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., para sa kaniyang dalawang araw na state visit.

Dakong alas-3:00 ng hapon sa Vietnam o alas-4:00 ng hapon sa Pilipinas nang lumapag ang PR 001 sa Hanoi International Airport.

Sinalubong naman ng Vietnamese officials sina Pangulong Marcos at First Lady Liza Araneta Marcos.


Kabilang sa unang aktibidad ng Pangulo ang pakikipagpulong sa mga kinatawan ng Vin group, na pinakamalaking Vietnamese real estate company.

Nakatakda ring bisitahin ng Pangulo ang Filipino Community sa Vietnam na tinatayang nasa 7,000 professionals, ngayong gabi.

Facebook Comments