PBBM, emosyonal na nagbigay-pugay kay Enrile sa Malacañang

Nagbigay ng eulogy si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa yumaong Chief Presidential Legal Counsel na si Juan Ponce Enrile sa isinagawang necrological service sa Malacañang.

Ayon sa Pangulo, ang pinakamahalagang iniwan ni Enrile ay ang pamana ng dedikasyon, integridad, at disiplina sa paglilingkod, na nanatiling gabay sa kanya mula pagkabata hanggang pagiging Pangulo.

Isang malaking kawalan aniya sa bansa ang pagpanaw ni Enrile na may malakas na impluwensiya sa batas, lehislatura, at pamahalaan.

Inilarawan din niya si Enrile bilang statesman na may matalas na utak, masipag mag-aral, at matatag na tagapagtanggol ng bansa na handang tumutol kapag taliwas sa pambansang interes.

Sa kabila ng edad, sinabi ng Pangulo na nanatiling matalas ang pag-iisip ni Enrile at patuloy na nagbibigay ng payo sa kaniyang pamumuno.
Nagpasalamat naman ang Pangulo sa mahabang pagseserbisyo ni Enrile at sinabing mananatili itong huwaran para sa susunod na henerasyon ng mga lingkod-bayan.

Facebook Comments