PBBM: Epekto ng pagbaba ng inflation, tiniyak na mararamdaman ng mga Pilipino 

Pupursigihin ng Marcos administration na magtuloy-tuloy ang pagbaba ng inflation rate.

Sa panayam kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., matapos dumalo sa Livestock and Aquaculture Expo 2023, sinabi nitong patuloy na aalalayan ng gobyerno ang mga magsasaka para mapataas ang produksyon.

Sinabi pa ng pangulo na nakatulong ang pagkakaroon ng malinaw na schedule ng importasyon para mapababa ang inflation.


Inihalimbawa nito ang asukal na ngayon ay stable na anya ang presyo.

Kaya naman tiwala si Pangulong Marcos na magiging stable rin ang presyo ng iba pang mga bilihin upang maramdaman ng consumers ang epekto ng pagbaba ng inflation rate.

Aminado ang pangulo na dedepende ito sa tagumpay ng pagpapataas ng produksyon at supply chain.

Batay sa ulat ng Philippine Statics Authority (PSA), bumaba sa 5.4% ang inflation rate para sa buwan ng Hunyo mula sa 6% noong Mayo.

Facebook Comments