Reremedyuhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang ₱12 billion na kinaltas sa budget ng Department of Education (DepEd).
Ito ang tiniyak ni Pangulong Marcos sa Year-end Media Fellowship sa Malacañang.
Para sa pangulo, ang ginawang budget cut ay salungat sa mga polisiya ng administrasyon sa usapin ng pag-unlad ng STEM o Science, Technogy, Engineering, and Mathematics gayundin sa pag-unlad ng sektor ng edukasyon.
Ang P10 billion kasi sa natapyas na ₱12 billion ay ilalaan sa computerization item kaya’t tinatrabaho aniya nila na maibalik ito.
Ayon pa sa pangulo, ayaw niyang mag-veto ng anumang line item sa budget, kaya’t pinapangako niyang gagawa siya ng paraan at gagawa ng hakbang tungkol sa budget cut.
Facebook Comments