Monday, April 13, 2026

PBBM, game na makipag-gym sa mga kritiko para patunayang maayos ang kaniyang kalagayang

Hinamon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga nagsasabing siya ay may sakit na pumunta sa Malacañang at samahan siyang mag-ehersisyo.

Ayon sa pangulo, maaari silang mag-gym at dito na lamang sa Palasyo patunayan kung sino ang mas malakas magbuhat ng weights.

Giit ng pangulo, hindi siya umaasa sa supplements at mas mahalaga aniya ang tamang pagkain, regular na ehersisyo, at sapat na tulog, kahit aminado siyang minsan ay kulang siya sa pahinga.

Dagdag pa niya, halos tatlong buwan na siyang hindi nagpupunta sa ospital.

Ang huli raw niyang check-up ay nang sumailalim siya sa CT scan para sa kanyang diverticulitis, na ngayon ay maayos na.

Giit ng pangulo, huwag paniwalaan ang mga kumakalat na balitang siya ay may sakit o baldado dahil pawang kasinungalingan lamang umano ang mga ito.

Facebook Comments